Ang Karapatan mo sa Pag-access ng Wika
May karapatan kang ma-access ang mga programa, benepisyo, at serbisyo ng estado sa sariling wika mo, nang walang bayad. Maaari kang makatanggap ng mga serbisyo ng interpretasyon at magkaroon ng mahahalagang dokumento na isinalin sa wikang ginagamit mo kapag nakikipag-usap sa Kagawaran ng mga Bata, Kabataan, at Pamilya (Department of Children, Youth, and Families, DCYF), humihiling ng mga benepisyo o serbisyo ng estado, o dumalo sa isang pagsasanay o kaganapan.
Pag-access sa mga Serbisyo sa Wika
Upang ma-access ang mga serbisyo sa wika, mangyaring makipagtulungan nang direkta sa kinatawan ng DCYF mo o mag-email sa Pag-access sa Wika sa dcyf.languageaccess@dcyf.wa.gov.
Iba Pang Kapaki-pakinabang na Mapagkukunan
Iulat ang Pang-aabuso o Pagpapabaya sa Bata
1-866-363-4276
Upang iulat ang pang-aabuso, pagpapabaya, di-lisensiyadong pangangalaga sa bata, at iba pang alalahanin tungkol sa pangangalaga sa bata. Maaaring ikonekta ka ng isang operator sa isang interpreter na nagsasalita ng wika mo.
Ugnayan sa mga Mamamayan
ConstRelations@dcyf.wa.gov | 1-800-723-4831 | 360-902-8060
Ang Ugnayan sa mga Mamamayan ay naglalaan ng makatarungan at magalang na proseso para sa paglutas ng mga reklamo kaugnay ng mga kaso ng proteksyon at kapakanan ng mga bata, lisensya ng mga foster home at pangangalaga ng mga bata, mga programa sa pangangalaga ng mga bata, at mga serbisyo sa rehabilitasyon ng kabataan.
DCYF Central Intake Line
1-866-363-4276
Maraming mapagkukunan ang DCYF para sa mga pamilya. Maaari mong ma-access ang ilan sa mga ito sa pamamagitan ng pagtawag sa toll-free intake line. Maaaring ikonekta ka ng isang operator sa isang interpreter na nagsasalita ng wika mo.
Kasama sa mga serbisyo ang:
- Mga serbisyo ng maagang interbensyon para sa mga batang edad 0 hanggang 3.
- Mga programa sa suporta, edukasyon, at pamumuno sa buong estado.
- Tumulong sa paghahanap ng ligtas at abot-kayang pangangalaga sa bata.
- Pagbisita sa bahay, pakikipag-ugnayan sa komunidad, at suporta sa pagpopondo.
- Mga rekomendasyon sa lokal na serbisyong panlipunan at tulong.
Maghain ng Reklamo sa Diskriminasyon
Mangyaring punan ang DCYF Service Access at Civil Rights Complaint Form para sa Americans with Disabilities Act, Seksyon 504 ng Rehabilitation Act, Title VI ng
Civil Rights Act, Language Access, and Protected Class Discrimination complaints.